Sa napakaraming puwesto sa Bundok
Banahaw, nabigyan kami ng pagkakataon upang mabisita at maranasan ang
sinasabing milagro ng ilan sa mga ito. Una naming napuntahan ay ang malaking pintuan
patungo sa pinakamalaking simbahan doon. Ang pintuang ito ay itinuturing nilang
pintuan patungo sa langit. Nakaguhit sa pintuang ito ang iba’t-ibang mga
bandila ng mga bansa sa buong daigdig na sumisimbolo sa maluwag na pagtanggap
ng mga tiga-roon sa kahit na sinong nais pumasok. Sa loob makikita ang Ciudad
Mistica de Dios, isang simbahan na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga hindi
kabilang sa kanilang grupo. Mabuti na lamang at nagkaroon pa rin kami ng
pagkakataon na masilip ang loob ng simbahan. Nang panahong iyon ay may ilang
nagdadasal sa loob kaya’t iniwisan naming gumawa ng kahit na anong ingay. Sa
loob, ang lahat tao ay nakaputi at nakabelo at karamihan sa kanila’y mga
kababaihan. Makikita ang tatlong bintana sa loob na kulay pula, puti, at asul
na sumisimbolo sa watawat ng Pilipinas. Ang nagsimula ng kanilang grupo ay si
Maria Bernarda Balitaan at itinuturing nila ang labindalawa sa ating mga
pambansang bayani bilang mga apostoles ni Hesukristo at ni Rizal.
Pangalawang puwesto ay ang aklat ng
buhay, isa itong malaking tipak ng bato na ang hitsura’y mistulang isang ibrong
nakabukas. Ayon sa mga tao roon, kapag nagtirik ka ng kandila at nagdasal habang
isinusulat ang pangalan ng taong ipinagdadasal mo gamit ang iyong daliri doon
sa aklat ng buhay, ay matutupad ang anumang hilingin mo sa Panginoon.
Pangatlong puwesto ang maliit at
napakasikip na kweba ng husgado. Sinasabing ang kwebang ito ang susukat sa dami
ng iyong mga kasalanan. Lumuluwag o sumisikip daw ito depende sa iyong mga
pagkakasala sa Panginoon. Kung marami kang sala, mahihirapan ka raw sa paglabas
ng kwebang ito at maari ka raw magkaroon ng mga galos at sugat.
Pang-apat na puwesto ay ang burol
ng kalbaryo. Sinasabing dito raw sa burol na ito ipinako at namatay si
Hesukristo. Ang pag-akyat sa burol ay isang malaking sakripisyo para sa
Panginoon ngunit lagi dapat nating tandaan na wala pa ring makahihigit sa
ginawa ng Panginoon para sa ating mga makasalanan. Sa tuktok ng burol ay
matatgpuan ang tatlong krus na katulad ng nabanggit sa Bibliya kung saan
namatay si Hesukristo. Naroon din ang isang rebulto ng La Pieta at ang rebulto
ng isang trianggulo may mata sa gitna at may pakpak na kulay asul at pulat na
sumismbolo pa rin sa watawat ng Pilipinas. Kita sa paligid ang magandang
tanawin sa ibaba at ang kalapit nitong bundok Cristobal o mas kilala sa tawag
na Devil’s Mountain o Bundok ng Demonyo. Dito sinasabing nagtago si Macario
Sakay nang magi siyang bahagi ng KKK upang hindi matagpuan ng mga tumutugis na
Kastila.
Panghuling pwesto ay ang Ilog
Lagnas, ang sinasabing milagrosong ilog sa Bundok Banahaw. Mula sa itaas ay
kailangnang bumaba sa hagdan na may mahigit 270 na baitang upang maka-abot sa
ilog na iyon. Sinasabing kapag tama ang iyong bilang ng mga baitang ay maari
kang humiling sa Panginoon at matutupad ito. Bago kami lumubog sa tubig ay pinadaan
kami sa isang umaagos na tubig mula sa tuktok ng bundok na dumadaan sa ugat ng
mga halaman doon. Ang tubig sa ilog ay napakalamig at pinawi nito ang lahat ng
pagod na naranasan namin sa buong araw na paglalakad. Maraming nagsasabi na ang
tubig sa ilog na ito ay nakakapapagaling ng sakit at nakakapagpakinang ng mga
diyamante. Mayroon ding rebulto ni Birheng Maria malapit sa ilog upang magbigay
pugay sa kanya.
Ang araw na iyon ay punung-puno ng kasiyahan
at bagong mga kaalaman. Isa na naman itong kaganapn sa aming mga buhay na naghatid
sa amin ng maraming aral sa buhay na siguradong ibibilang namin sa mga pinakamahalagang
ala-ala sa aming mga buhay
0 comments:
Post a Comment